NEW LITERACY SA MAKABAGONG PANAHON; PAANO ITO NAKAKA APEKTO SA ATIN?
Ang new literacy sa makabagong panahon ay nakatutulong upang mas mapadali ang paggawa ng ating mga gawain, at nagsisilbi din itong medyum ng pagtuturo sa paaralan, halimbawa na rito ang paggawa ng powerpoint presentation, pangangalap ng mga impormasyon sa internet at pakikipagkomunikasyon.
Ang internet ay isang instrumento na ginagamit sa pangangalap ng mga impormasyon, paghahanap sa mga bagay na hindi na kinakailangang pumunta sa silid-aklatan at upang maging updated sa nangyayari sa ating lipunan.
NEW LITERACY
“CREATIVITY IS THE NEW LITERACY”
BAGONG LITERATURA
isinulat ni : Rovilyn Pener
Ano ang Bagong Literatura sa Pilipinas? Ito ang makabagong Literatura sa pagtuturo sa panahon ngayon o makabagong henerasyon sa mundong ating kinagagalawan. Ito ang pinaka mabisang daloy ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya, upang mapadali ang pagtuturo sa mga estudyante. Gayunpaman, oras na upang muling isipin ang pamamaraang ito. Kung makapagtatag tayo ng isang pinalawak na kahulugan ng kung ano ang ibig sabihin na maging marunong magbasa sa bagong kapaligirang ito ng impormasyon, kung gayon maaari nating makamit ang mas maraming pag-unlad, sa mga tuntunin ng mas mahusay na paghahanda ng mga bata para sa ika-21 siglo, sa pamamagitan ng pagsasama ng kontemporaryong pagbasa, sa halip na pagsasama ng teknolohiya.


ANG BAGONG LITERATURA SA MAKABAGONG PANAHON
isinulat ni: Queenie Pardilla

Ayon sa UNESCO ang new literacy ay tumutukoy sa karunungang bumasa’t sumulat bilang “kakayahang makilala, maunawaan, bigyang-kahulugan, lumikha, makipag-usap at makalkula, gamit ang mga nakalimbag at nakasulat na mga materyales na nauugnay sa iba’t ibang mga konteksto.
Ang mga bagong literatura ay magdadala ng mga bagong hamon para sa mga paaralan, dahil sa walang maliit na bahagi, ang mga bagong teknolohiya (at ang mga kasanayan sa kultura sa kanilang paligid) ay mabilis na nagbabago. Ang lahat ng ito ay nagtataas ng mga mahahalagang katanungan tungkol sa kung paano – sa katunayan, kung – ang mga bagong literatura na “akma” sa mga kasalukuyang kasanayan sa paaralan, at kung paano tutugon ang mga paaralan.
Ang mga tagapagturo ay dapat matuto ng mga bagong literatura sa kanilang sarili – para sa kanilang sarili – bago nila suportahan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga ito.
Ang literatura ay nagsasangkot ng isang pagpapatuloy ng pag-aaral sa pagpapagana ng mga indibidwal na makamit ang kanilang mga layunin, upang mabuo ang kanilang kaalaman at potensyal, at upang makilahok ng lubos sa kanilang pamayanan at mas malawak na lipunan.
Ang pagtaas ng mga “bagong literacy” na kinakailangan upang magamit ang mga bagong teknolohiyang epektibong maglagay ng mga bagong kahilingan sa ating lahat – hindi lamang sa mga mag-aaral. Inaasahan nating lahat na mabilis na gumagalaw upang makilala ang mga problema, halimbawa; pag may pamilya kayo na nag tratrabaho sa ibang bansa mas mapapadali ang komunikasyon pag mayroon tayong makabagong teknolohiya na ginagamit at upang suriin at synthesize ang impormasyon mula sa maraming mga mapagkukuna.
Mahalaga ang new literacy dahil ang isang marunong magbasa’t lipunan ay isang dinamikong komunidad; ang isang pamayanan na nagpapalitan ng mga ideya, pag nakikibahagi sa diyalogo ay mas makabagong at produktibo. Ang pagbabahagi ng mga ideya, pananaw at pag-aalala ay resulta din sa higit na antas ng pag-unawa at pagmamalasakit sa isa’t isa, at sa huli ay malakas ang diwa ng komunidad.

ANG PAGLAGANAP NG NEW LITERACY
isinulat ni: Anglelica Moreto
Habang tumatagal, maoobserba natin ang pagbabago. Makikita natin na habang mas tumatagal, mas nagiging high-tech at maganda ang mga naiimbento na teknolohiya. Ang literacy ay nagsasangkot ng isang pagpapatuloy ng pag-aaral sa pagpapagana ng mga indibidwal na makamit ang kanilang mga layunin, upang mabuo ang kanilang kaalaman at potensyal, at upang makilahok ng lubos sa kanilang pamayanan at mas malawak na lipunan. “Ang mga New literacy” na nagmula sa mga bagong teknolohiya ay may kasamang mga bagay tulad ng text-messaging, blogging, social networking, podcasting, at pag-videomaking. Ang mga teknolohiyang digital na ito ay nagbabago at nagpapalawak sa ating mga kakayahan sa komunikasyon, madalas na pagsasama ng teksto, tunog, at imahe. Bagaman konektado sa mas matanda, “offline” na kasanayan, binago ng mga teknolohiyang ito ang kahulugan ng parehong “basahin” at “sumulat” ng mga teksto. (Binago din nila ang kahulugan ng “teksto,”. Ng dahil sa “New Literacy ” na ito mas nagiging madali at epektibo ang mga gawain natin kung ikukumpara natin ito sa nakaraan. Masasabi natin na sa pagbabagong ito may mga magandang epekto ito , Hindi lang para sa mga studyante kundi pati narin sa mga guro. Hindi na sila gumagamit ng napakaraming manila papers sa pagtuturo bagkus sa tulong ng makabagong teknolohiya napapadali ang mga bagay bagay. At dito rin natututo ang mga mag-aaral kung pano maging malikhain.


PAGLAGANAP NG FAKE NEWS
isinulat ni: Argel Grace Rondina
Ang pulitika at media ay palaging napapalibutan ng mga kasinungalingan, mga pagsabog, at panlilinlang. Ngunit sa pagtaas ng malaganap na mga tool sa komunikasyon, tulad ng Internet at social media, naabot na natin ang isang estado ng emerhensiya. Ngayon, sa isang pagsisikap na labanan ang pagkalat ng mga kasinungalingan, ang mga unibersidad at paaralan sa buong bansa ay nagsasagawa ng mga hakbang upang gumawa ng media literacy na bahagi ng kanilang curricula. Ang mga taong nagkakalat ng propaganda upang maimpluwensiyahan ang resulta ng isang eleksiyon o makakaapekto sa mga isipan ng mga botante ay hindi bago. Bago ang Internet, ang mga tao ay gumamit ng mga tabloid, maghahatid ng mga polyeto, at magkalat ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagsasalita. Sa 2012, ginagamit ng mga tao ang social media upang maikalat ang mga pekeng kwento ng balita, ngunit inilibing na sa ngayon sa mga search engine na mas karaniwan sila at madaling inilalarawan bilang hindi totoo.
MEDIA LITERACY
KAHALAGAHAN NG MEDIA LITERACY
isinulat ni: Daisyre Guen Allibas
Ano nga ba ang halaga ng Media Literacy sa ating lipunan? Malaking tulong ba ito o isa rin sa nag papalala sa problema ng ating bansa? Yan ang mga tanong na hindi maisagot ng mga tao sa ating lipunan ang media ay maraming na sasakop, isa na rito ang television,radio,newspaper at cellphone isa pinaka patok na apps na may ka ugnay sa pakikipag kumunikasyon ay ang Facebook at Messenger na kung saan mahahanap at makakausap mo ang taong importante sa buhay mo at sa kahit sa Facebook ay malalaman muna ang nagaganap sa ating lipunan ayon sa Pilipino Star Ngayon ay nasa 63% ang gumagamit ng social media at nasa Top 20 ang pilipinas dahil sa mga internet user mahalaga na marunog tayo sa social media upang di mapag iwanan ng makabagong panahon. Samantala meron ang hindi nasisiyahan sa pag usbong ng teknolohiya at sa social media dahil nga sa mga kabataang ginagamit lamang upang makapag sagawa ng di kanais nais sa ka nilang kapwa at ang mga kabataan ay mas nakapukos na sa social media kaysa na mag laro ng mga larong pinoy nakakalimutan na ang magandang tanawin at hindi na nabibigyang pansin ang mga bagay bagay sa lipunan dahil babad na sa kanilang cellphone ngunit may isa naman itong magandang naidudulot sa atin una ay ang mas na papabilis na ang pag kalap ng impormasyon lalong lalo na sa mga gawain sa paaralan at mas mapapadali ang pag bigay ng mga reports at kung anu pa man at di na kailangan ng mga manila paper o cartolina sa pag rereport kundi pwede na ang projector malaki ang na itutulong ng Media Literacy sa ating lipunan dahil mas napapadali ang lahat ngunit di dapat natin idepende ang mg sarili sa media ngunit gumawa din tayo ng ating sariling pag iisip kung tama o mali ang ating mga ginagawa.
FUNCTIONAL LITERACY
PABASA AT PAGSULAT? DAPAT BA’Y MANATILING KUNTENTO?
isinulat ni: Jasmin Candido
Laging pakakatandaaan Oo! alam mo at alam ko …alam nating pareho Alam mo kung sumulat, bumilang at bumasa, ‘yan ang sabi mo ngunit bakit tila ‘di mo alam, sadyang ‘di mo alam ‘di mo alam gamitin ang ‘yong kaalaman naisip mo na ba kung anong silbi mo ? Naitanong mo na ba ang sarili mo? Sanay napagtanto mo na ang pagkatuto Ay ‘di dapat hanggang diyan lamang kung san ka nakatayo ang iyong kaalaman sa pagbasa’t pagsulat dapat ito’y alam mong gamitin sa lahat ng oras malaman na komprehinsiyon din ang kinakailangan Dahil sa buhay mo’y iyan ang higit na kinakailangan ika’y ‘di aangat sa yong kinatatayuan Kung ‘di mo alam gamitin ang iyong kaalaman ika’y mananatiling tuod na walang halaga sa sinuman dahil sa buhay ‘di sapat na ikay marunong sumulat, bumilang at bumasa.. Iyan ang lagi mong pakakatandaan.

ANG KAALAMAN
isinulat ni: Jaimee Davin

Ikaw ba ay may kaalaman sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya? Sapat ba ang iyong mga kaalaman upang masabing ikaw ay functional literate person? Iyan ay ilan lamang sa mga katanungang tumatakbo sa ating isipan.
Ano nga ba ang functional literacy? Ang functional literacy ay ang kakayahang mangasiwa o mamahala sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at mga gawain sa trabaho na nangangailangan ng kakayahang bumasa na lampas sa batayang lebel. Ito ay hindi lamang kakayahang sumulat at bumasa kundi pati narin ang magbilang at kakayahang gumamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya at medya.
Base sa 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey o FLEMMS, 9 sa 10 Pilipino edad 10 hanggang 64 ang functionally literate o marunong magsulat, magbasa at magbilang.
Bilang mamamayan o kabataan sa kasalukuyang henerasyon, nararapat lang na tayo ay may kaalaman sa lahat ng mga makaluma at makabagong teknolohiya at medya upang magamit natin sa pang-araw-araw nating pamumuhay ng mapadali ang lahat ng ating mga gagawin o gawain.
Dapat alam nating kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa paggamit ng mga teknolohiya at medya upang hindi ito makapagdulot ng kasamaan o problema.
CULTURAL LITERACY
KULTURANG TAGLAY, NAKIKITA PA BA?
isinulat ni : Hazel Mae Sillave
Kultura ang sumasalamin sa isang bansa. Kung ano ang kulturang taglay, iyon ang pagkakakilanlan ng mga taong nakatira sa partikular na bansa. Sa pag usbong ng modernisasyong panahon natin ngayon nakikita pa ba? Nakikita pa ba ang mga kinaugaliang Pilipino tulad ng paggamit ng “po” at “opo” at ang simpleng paghalik ng kamay sa nakatatanda bilang silbi ng pagggalang? Maging ang pag uwi sa bahay ng alasais ng gabi sinusunod pa ba? Ang mga ganitong klaseng katanungan ang siyang nagpapaalaala sa mga Pilipino kung tuluyan na bang nawala sa kanila o tinakpan lamang ng iba. Iba – iba man ang kultura, relihiyon, paniniwala, at pananampalatayang kinabibilangan ng mga tao sa mundo. Iisa pa rin ang nakatatak sa ating puso’t isipan kung ano tayo. Hindi maiwawaglit ang nakaugalian na sa atin ang pagka-Pilipino. Bilang tanda ng pagrespeto sa ating bansa at sa mga bayaning nakipagsapalaran upang makamit ang kalayaan. Kahit sa simpleng paraan lamang ay ipakita natin na tayo ang susi para umusbong at magkaroon ng kapayapaan ng walang humahawak na sino man. Kailangang pagyamanin, paunlarin at palaganapin ang mga kultura ng Pilipinas at ipagmalaki sa iba na ito tayo, tunay na Pilipino!
ANG SARILING ATIN DAPAT NATING TANGKILIKIN
isinulat ni: Angelica Abanes

Sa panahon ngayon, iilan nalamang ang yumayakap sa ating kulturang kinagisnan. Maraming kabataan ang nakakalimot kung paano ba ang tamang pag respeto sa magulang, kasi imbes na gamitin ang “po” at “opo” mas naiimpluwensyahan tayo ng mga makabagong umuusbong na salita ngayon. Katulad na lamang ng “gorabells” atbp. Pati ang ating sariling wika ay unti-unti ng nalalamon dahil sa pagtangkilik natin sa ibang lenggwahe. Pati na rin ang pananamit ng isang dalagang Pilipina ay nagbabago na dahil sa mas naiingganyo tayo sa mga bagong pananamit na umuuso ngayong henerasyon. Mahalin at tangkilikin ang sariling atin dahil ito ang mas magpapaunlad sa atin. Ayon pa kay Almario ipagpapatuloy niya ang pagpapalaganap ng wikang pambansa dahil dapat itong ikarangal. Marapat lamang na tangkilikin ang sariling atin dahil hindi tayo uunlad kung gaya-gaya tayo at hindi man lang natin natutunan ang atin. Ipagmalaki natin ang ating sariling kulturang kinagisnan dahil dito tayo makakaramdam ng kakuntintuhan at kapayapaan. Ang pagkilala sa atig sariling kultura ay isang karangalan. Ipamulat sa mga Pilipino na ang ating kultura ay mahalaga at dapat pakaingatan at ipagmalaki.

IBA KA NGUNIT KAURI KITA
isinulat ni: Abegaile Lacambra
Ang pulitika at media ay palaging napapalibutan ng mga kasinungalingan, mga pagsabog, at panlilinlang. Ngunit sa pagtaas ng malaganap na mga tool sa komunikasyon, tulad ng Internet at social media, naabot na natin ang isang estado ng emerhensiya. Ngayon, sa isang pagsisikap na labanan ang pagkalat ng mga kasinungalingan, ang mga unibersidad at paaralan sa buong bansa ay nagsasagawa ng mga hakbang upang gumawa ng media literacy na bahagi ng kanilang curricula. Ang mga taong nagkakalat ng propaganda upang maimpluwensiyahan ang resulta ng isang eleksiyon o makakaapekto sa mga isipan ng mga botante ay hindi bago. Bago ang Internet, ang mga tao ay gumamit ng mga tabloid, maghahatid ng mga polyeto, at magkalat ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagsasalita. Sa 2012, ginagamit ng mga tao ang social media upang maikalat ang mga pekeng kwento ng balita, ngunit inilibing na sa ngayon sa mga search engine na mas karaniwan sila at madaling inilalarawan bilang hindi totoo.
MULTICULTURAL LITERACY
KAHALAGAHAN NG MULTICULTURAL LITERACY
isinulat ni: Flora Mae Macasadog
Ano nga ba ang kahalagahan ng Multicural Literacy? Ito ba ay makakatulong o magsisilbing balakid sa pag-unlad ng bansang Pilipinas? O kaya naman ay magiging daan sa paglimot ng ating sariling kultura. At ano nga ba ang tunay na kahulugan nito? Ang multicultural literacy ay isang karunungan ng isang tao na umunawa, yumakap, at magbigay halaga sa bawat pagkakaiba ng bawat lahi. Ito din ay pagbibigay galang sa estado ng buhay ng isang tao partikular na sa kanilang pananamit, kasarian, paniniwala, kaugalian,tradisyon at lalong lalo na sa kanilang kultura. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang, palangiti at palakaibigan sa ating kapwa. Kaya minsan humahantong ito sa punto na unti unti na nating yinayakap ang kultura ng ibang lahi sa kadahilanang makabuo ng magandang relasyon sa mga dayuhan. Kadalasan ang inaasam nating magandang relasyon ay nauuwi sa paglimot ng ating sariling kultura dahil masyado na tayong nasisilaw sa liwanag na kanilang handog para atin. Minsan hindi na natin namamalayan na tayo ay nagiging mapagmahal sa ating sariling kultura at kadalasan nakakalimutan natin ang tunay na katangian ng isang Pinoy. Pinoy na magalang, Pinoy na mapagmahal sa sariling atin at pinoy na may paninindigan na handang labanan ang mga dayuhang nagtatangkang angkinin ang yaman ng ating bayan. Ngunit kahit ganun. Mahalaga pa rin ang pagiging literate sa pagkakaiba ng bawat isa sapagkat bilang mga Pilipino dapat igalang natin ang ating pagkakaibaiba sapagkat dahil dito maaring makabuo tayo ng isang magandang relasyon. Yong relasyon na hindi kakalimutan ang kanyang sariling bansa bagkus itoy ipapakilala at ipagmamalaki sa sinumang lahi na ating makakasalamuha.
FINANCIAL LITERACY
KAHALAGAHAN NG FINANCIAL LITERACY
isinulat ni: Anna Marie Sardeña
Alam mo ba ang halaga ng iyong pera sa pang-araw araw na takbo ng iyong buhay? Ano nga ba ang halaga nito at ano ang dapat nating malaman tungkol sa paglabas at pagpasok ng pera lalo na sa pangkabuhayan natin. Ano nga ba ang Financial literacy? Ang Financial Literacy ay ang kakayahang maunawaan kung paano gumagana ang pera, kung paano ginagawa ng isang tao sa namamahala at namuhunan dito. Ito ay ang malalim na kaalaman sa pagbasa sa pananalapi ay kinakailangan upang maunawaan kung paano gumagana ang pera at kung paano ito gagana para sa iyo. Mahalaga itong pag-aralan lalo na sa pamumuhunan sa mga kumikitang mga lugar tulad ng stock o pera sa pera. Upang maunawaan ang pera at kung paano ito gumagana, mahalagang maunawaan ang mga karaniwang mga prinsipyo sa Financial Literacy tulad ng mga layunin sa pananalapi, pagbabadyet, at pati na rin ang pamumuhunan. Ang Financial Literacy ay tumutulong sa bawat indibidwal na maging sapat sa sarili upang makamit nila ang katatagan o kaalaman sa pananalapi. Ang mga nakakaintindi sa paksa ay dapat na sagutin ang maraming mga katanungan tungkol sa mga pagbili ng mga kagamitan, tulad ng kung ang isang item ay kinakailangan nga ba, kung abot-kayang bilhin, at kung ito ba ay isang asset o liabilities. Dapat tayo ay maging maalam tungkol sa pera at alam natin kung pano pairalin ang pangangailan more than sa kagustuhan natin sa buhay, alam natin dapat magbadget nang pera, maging matalino sa paggastos o pagbili..


MAGANDANG KALABASAN NG PAG-IIPON
isinulat ni: Lovely Luya
Ikaw, ako lahat tayo ay may kakayahan na makapag ipon ng pera. Ito kaya ay may magandang maiidulot sa ating mga mamayanan? Ano ang naidudulot ng pag iipon ng pera? Ang pag iipon ng pera ay mahalaga kasi ito ay mai malaking ganap sa ating buhay. At bilang isang mamayanan ito ay mahalaga. kasi, alam naman natin na kailangan natin ito upang tayo’y magkaroon ng mapagkukunan ng pera sa oras ng kagipitan. At kung pwepwede mo rin magamit sa oras na magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay. Ito rin ay makakatulong sa pag tupad ng ating mga pangarap na magkaroon ng Cellphone, loptop, kotse, bahay o anu pa man yan na iyong kagustohan. Sa pinabilis na pararaan upang maisakatuparan ay iyong kagustohan. Sa pamamaraan ng pag hulog hulog sa isang maliit na alkansya. Kahit, sa maliit na halaga ng pera.
DIGITAL LITERACY
AGOS NG PAGBABAGO
isinulat ni : Christine Marie Papiona
Bilang parte ng makabagong panahon, tayo ay inaasahan na maging hasa sa paggamit ng teknolohiya, may kamalayan sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunan at karunungan sa paggawa. Lingid na sa ating kaalaman na nag digital literacy ay may malaking ambag sa ating sa ating lipunan, sa usaping pagpapadali ng mga gawain, maging updated sa social media at ito rin ang nagsisilbing tulay ng mga tao upang maihatid ang mensaheng kanilang gustong iparating . Sa kabilang banda ang pagkakaroon ng kamalayan sa paggamit ng teknolihiya ay may negatibong epekto sa atin lalo na kung hindi natin ito gagamitin ng wasto, maaari itong magdulot sa atin ng addiction, pagbaon sa limot ng mga kaugaliang tradisyon at pagbigay ng mahabang oras sa paggamit ng cellphone kaysa sa sarili. Hindi masamang magmarunong basta alam molang ang ginagawa mo dahil sa bawat paggamit mo ng iyong mamahaling gadget, hindi mo namamalayang na nilalamon na pala nito ang utak mo. Palaging pakatatandaan na nag pagbabago sa ating lipunan ay lingid na sa ating kaalaman ngunit hindi lingid sa ating na kasabay ng pagbabagong ito ay unti-unti narin tayon nagbabago, natatakpan na nag dating kaugalian at pinaiiral ang bagong natuklasan. Maging maingat sana tayo at mapanuri dahil sa huli tayo rin ang magsisisi. Gamitin ng wasto ang mga bagya na nasa iyong paligid at huwag padadala sa panlabas na kaanyuan dahil kaya ka nitong linlangin at paikutin, kaya kung ako ikaw mag-isip muna bago mo gawin upang sa huli ang halakhak nasa iyo parin.
MAKABAGONG LIKHA NG TEKNOLOHIYA
isinulat ni: Katherine Joy P. Sode
Ano nga ba ang naidudulot ng digital literacy sa ating lipunan sa kasalukuyang panahon? Tunay nga bang nakasasama ito sa kabataan? Ilang mga katanungan na agad pumapasok sa mga isipan natin. Bilang isang kabataan na likha ng makabagong panahon ay malakas ang hatak sa atin ng bagong likha na teknolohiya, sapagkat nakakaligtaan na natin ang mga nakagisnang gawain, imbis na tayo ay naglalaro ng larong pinoy ay nandun tayo sa ating silid, babad sa kakatutok sa ating social media accounts. Hindi natin alintana ang kaganapan sa ating paligid. Oo nga at nagiging updated tayo sa mga nagyayari sa ating bansa ngunit nilalamon naman tayo nito, mula sa pagtulog hanggang paggising sa umaga ay ang ating cellphone ang agad nating hinahanap at hinahawakan imbis na hawakan natin ang mga gawaing bahay. Kailangan nating iwasto ang ating sarili sa paggamit ng makabagong teknolohiya, paalalahan natin ang ating sarili na dapat may tamang oras lang tayo sa paggamit nito upang hindi tayo malulong sa impluwensya nito sa atin dahil karamihan sa panahon ngayon ay nalulong sa depression dahil dito. Ito ay nilikha upang makatulong sa atin at hindi upang maglahad ng kapahamakan kung kaya’t tayo ay maging responsible sa paggamit nito, huwag nating hayaang lamunin tayo ng impluwensya nito.Dahil pakatandaan kung ano ang inilalahad natin sa ating mga opinyon sa paggamit nito ay siyang nagrereplika sa ating sarili, kung anong klase ng tao ang mayroon tayo.


PAHALAGAHAN ANG KAPALIGIRAN
isinulat ni: Jezel Catapal
May kamalayan ka ba sa mga nangyayari sa kapaligiran o mga isyung pangkapaligiran? Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit unti-unting nasisira ang ating inang kalikasan? Naniniwala ba kayo na ang pagsisira ng ating inang kalikasan ay siya ring pagsisira sa ating buhay? Kung wala ka pang alam ngayon simulan mo na at umpisahan na ang pagpapahalagan at protektahan ang ating inang kalikasan. Ano nga ba ang Ecological literacy? ang ecological literacy ay ang pag-aaral sa ating inang bayan o pag-unawa sa natural na sistema na nauugnay sa ating buhay. Ito ay pag-iisip tungkol sa mundo, kung ano ang nangyayari o kaugnayan ng likas na sistema at sa kilos ng tao dito sa kapaligiran. Ayon kay David Orr (1994), ang ugat ng mga krisis sa kapaligiran ay ang kawalan ng kakayahan ng indibidwal na mag-isip tungkol sa mga pattern ng ekolohiya, mga sistema ng sanhi, at pangmatagalang epekto ng pagkilos ng tao. Ibig sabihin, ang mga tao ang siyang solusyon upang magkaroon ng magandang kalusugan ang ating inang bayan ngunit ang mga tao rin ang siyang sumisira nito. Kung kaya’t tayo ay dapat nang maging maalam sa mga pangyayari o isyung pangkapaligiran na mayroon tayo sa kasalukuyan upang malaman natin kung ano ang mga dapat at di dapat gawin upang mapabuti ang ating kapaligiran. Dapat nating alagaan ang ating inang bayan dahil dito natin nakukuha ang mga kailangan natin sa buhay gaya ng pagkain at mga kagamitan sa paggawa ng matutuluyan. Matuto tayong i’apply ang “reduce, reuse,recycle” na pamamaraan upang tayo ay makatulong sa ating kapaligiran.
ECOLOGICAL LITERACY
LIKAS-YAMAN
isinulat ni: Sheila Cadocoy
Ang mga likas-yaman ay mahalagang dimensyon ng kabuhayan at kaunlaran ng isang lipunan. Mula sa mga likas-yaman ay makakukuha ng pagkain at mga hilaw na material na sangkap sa iba’t ibang industriya. Subalit ang kakayahan ng likas-yaman at kapaligiran na maipagpatuloy ang mahalagang papel nito sa lipunan sa mga susunod na henerasyon ay nakasalalay sa wastong paggamit at pangangalaga ng mga ito. Ang pangmatagalang buhay ng mga likas-yaman ay dapat pahalagahan ng lipunan hindi lamang upang maipagpatuloy ang pagbibigay nito ng mga biyaya kundi dahil na rin sa mga epekto ng mga maaksayang paggamit ng likas-yaman sa buong sistemang ekolohikal. Ano ng ba ang mga sanhi ng pagkasira ng ating kapaligiran? Maraming dahilan ang maaaring makasira sa buong sistema ng ating ekolohikal dahil sa kawalang-bahala ng mga tao. Ilan na lamang sa mga dahilan nito ay ang sumusunod: Una ay ang sobrang pagtrotroso, ayon sa isang ulat, ang mga konsesyon ng pagtrotroso ay ibinibigay sa loob ng 25 na taon ngunit 9-10 na tao pa lamang ay kalbo na ang mga lugar na pinagtrotrosohan nila at sinasabi din na maraming ang ilegal na pumuputol ng punongkahoy sa kagubatan; Pangalawa ay ang labis na pangingisda, na kung saan ang ilan sa mga mangingisda ay gumagamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda at pagtanggal ng mga koral sa karagatan, ito ang nagiging dahilan ng limitadong pagsusuplay ng mga likas-yaman sa karagatan; Pangatlong dahilan ay ang erosyon ng lupa, dahil sa bilis at pwersa ng agos, natatangay nto ang matatabang parte ng lupa at naidedeposito ito sa mga ilog na nagiging sanhi ng ng pagkitid ng kakayahan nitong makapagbigay –buhay sa maraming isda, at dahil din bumababaw ang ilog nagiging dahilan din ito ng pagbaha sa tuwing umuulan; Pang-apat ay ang polusyon mula sa industriya, ito ay ang sanhi ng pagkasira ng kapaligiran ang basura at kemikal na itinatapon ng mga industriya, tahanan, agrikultura, sasakyan, minahan at planta ng enerhiya na mga sanhi ng pagkasira sa polusyon ng tubig, hangin at kapaligiran. Kung kaya’t mapapansin natin na sunod-sunod ang mga kalamidad na nangyayari sa ating bansa dahil sa kapabayaan natin. Ang masasamang epekto ng polusyon ay dumiderekta sa kalusugan ng tao at pagkasira ng likas-yaman at kapaligiran. Ngunit sa kabilang banda sa pananaw ng mg a ekonomista, ang populasyon ay hindi absolutong kamalian na dapat iwaksi. Tulad ng ibang bagay, ito ay may naidudulot na din kabutihan. Kadalasan, ang populasyon ay kasama ng produksyon ng mga nagay at serbisyo na nagbibigay empleyo, kita at kagalingan sa ibang tao. Ang kakayahan ng ekonomiya na mapanatili ang kabuhayn at kaunlaran ng mga mamamayan nito ay nakasalalay sa pangmatagalang buhay ng mga likas-yaman. Ang maaksaya at labis na paggamit ng mga likas-yaman ay may matinding epekto sa sistemang ekolohikal na maaaring pigilin ang patuloy na paglaki ng ekonomiya. Hindi magtatagal ay maaari hindi na matirhan ang mundo, maaaring malapit ng magunaw ito. Hindi dahil sa mga bagyong dumaraan sa atin o sa mga lindol na ating nararanasan. Dahil ito sa unti-unting nang namamatay ang pinakamamahal nating planeta. Subalit hindi pa huli ang lahat upang iligtas natin ito. Kailangang magtulong-tulong upang mapanatli ang kalikasan at ang mundong ating na kinasasdlakan na siyang bumubuhay sa atin.
ARTS
SINING; SA IBA’T IBANG URI
isinulat ni: Lovlyn Gutierrez
Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining, kritisismo ng sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining. Noong ika-17 na siglo, ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-iiba sa agham at pag likha. Sa modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo, ang sining ay nag bibigay ng malaking pag papahalaga sa astetikong pinapakita nito. Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na sining. Bagaman pabago-bago ang kahulugaan at kung ano ang sining, mayroong nanatiling pangkalahatang ideya parin ang nasasabi kasama nito. Ang pagiging malikhain o ang kahusayan na ipinapamalas ng tao. Ang kalikasan ng sining at ang mga ideyang kaugnay dito, pagka-malikhain at interpretasyon ay sinisihayat sa isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na estetika. Bukod sa kahirapan, katiwalian, laganap na iligal na droga, agrikultura at iba pang mga problema sa bansa na hindi lingid sa ating kaalaman, mayroon pang isang sektor na dapat ring pagtuunan ng pansin ng susunod na uupong pangulo ng bansa. Ang nasabing sektor ay ang sektor ng sining at kultura, na nangangailangan ng mas matinding suporta mula sa pamahalaan. Bukod sa kahirapan, katiwalian, laganap na iligal na droga, agrikultura at iba pang mga problema sa bansa na hindi lingid sa ating kaalaman, mayroon pang isang sektor na dapat ring pagtuunan ng pansin ng susunod na uupong pangulo ng bansa. Ang nasabing sektor ay ang sektor ng sining at kultura, na nangangailangan ng mas matinding suporta mula sa pamahalaan. Ayon kay Dennis N. Marasigan, isang direktor, aktor at manunulat sa teatro, telebisyon at pelikula, una sa listahan ng kailangan ng nasabing sektor ay ang komprehensibong baseline study tungkol sa creative industries sa bansa, pati na ang paghahanda at implementason ng Philippine Creative Industry plan. Batay kasi sa World Intellectual Property Organization, ang creative industries ay bumubuo sa 7.34 percent ng gross domestic product (GDP) at 14.4 percent ng national employment noong 2014. Pangalawa ay organizational at financial support na mas mabisa at rationalized. Ayon pa kay Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit president Ogie Alcasid, kailangang bumuo ng susunod na pangulo ng mga programang magbibigay ng grants sa mga lokal na produksyon sa magagandang teatro, pelikula, pop music concerts at mga kahalintulad nito. Pangatlong rekomendasyon sa susunod na pangulo ay ang pagtatayo ng karagdagang performing at visual art centers, pati na rin ng production houses para sa pelikula at animations. Para kay Lisa Macuja-Elizalde, artistic director ng Ballet Manila, dapat ay magkaroon ng maayos na entablado o venue ang hindi bababa sa tatlong malalaking lungsod sa bansa. Kailangan ring magkaroon ng sapat na suportang pinansyal para sa rehabilitasyon ng Manila Metropolitan Theater at sa master development plan ng CCP complex. Pang-apat ay ang pagsusulong ng Philippine Cultural Education Plan kung saan mas palalawigin ang pag-aaral ng sining at kultura sa lahat ng antas ng edukasyon. Kaakibat nito ay ang maayos at kaukulang training para sa mga magtuturo ng subjects na ito. At ang pang-lima, ang tamang pag-kilala sa mga artists at cultural workers, tulad ng natatamasang pag-kilala ng mga Pilipinong nananalo sa beauty contests at sports. Bukod sa pagpapalawig ng National Artist Awards at ng Gawad Manlilikha ng Bayan, dapat ring magkaroon ng batas na kikilala at susuporta sa mga artists at sa kanilang kapakanan dahil malaki rin ang naibibigay nilang karangalan sa ating bansa. Naniniwala si Artists Welfare Project Inc. preisdent Fernando C. Josef na kung may sapat na suporta, marami pang magagawa ang mga Filipino artists para sa ating lipunan at bansa.


PAGKAMALIKHAIN
isinulat ni: Rizalyn Sermonit
Ang taong may malikhaing isip ay laging mayroong pagnanasa o hangarin sa isang bagay na nais niyang malaman o matutunan na kanyang magagamit sa kanyang kinabukasano panghabang-buhay na bagay na kapaki-pakinabang. Nang naganap ang TED talk, ayon kay Sir Ken Robinson, “Ang pagkamalikhain ay napakaimportante sa larangan ng edukasyon at kinakailangan tratuhin natin ito sa pantay na estado gaya ng edukasyon. Ang importansya ng pagka-malikhain sa bawat silid aralan ay laging nagbubunga ng magamdang resulta lalo na sa pamamaraan ng pagtuturo ng bawat guro sa kanilang mga estudyante kung saan sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagkabagot o kawalan ng gana ng kanyang mga estudyante sa kanyang asignaturao leksiyon. Sa tulong ng pagiging malikhain ay mapapaunlad ang pag-iisip o imahinasyon ng bawat mag-aaral, magkakaroon sila ng kalayaang ipakita at ipahiwatig ang kanyang ideya o sarili. Maipapamalas din ng bawat estudyante ang kanilang mga kakayanan o talento. Dahil dito, makatutulong itong paunlarin ang kanilang kakayahan at sarili sa pamamagitan ng pag-ampas nila sa kanilang sariling limitasyon. Bakit nga ba napaka-importante ng pagka-malikhain sa ating pang-araw araw na pamumuhay? Sapagkat ito’y nagagamit natin upang maipahiwatig ang nais nating maipabatid. Nagiging paraan din ito tungo sa komunikasyon sa bawat isa, dahil dito nakakabuo tayo ng bagong ideya at mga bagong karanasan at ala-ala na pwede nating pagyamanin at palaganapin. Ang pagkamalikhain ay nag-uudyok sa bawat nilalang upang malaman ang ating pagiging kakaiba sa marami, kung saan natin malalaman ang ating pagiging kakaiba sa marami. Kung saan natin nalalaman ang mga bagay-bagay na ngayon pa lamang natin natutuklasan sa ating sarili at ang pagtanggap sa ating pagkatao maging sino man tayo. Nakakatulong din itong ibsan ang mga suliranin at mga pangamba natin dahil dito ay natutunan natin ang ating atensyon sa paglikha ng mga bagong kaalaman o mga bagay.

“THE ILLITERATE OF THE 21ST CENTURY WILL NOT BE THOSE WHO CANNOT READ AND WRITE BUT RATHER THOSE WHO CANNOT LEARN, UNLEARN, AND RELEARN.”
-ALVIN TOFFLER


BSED FIL SF2-4
MTH 10:30AM-12:00PM






